Home

DYM Main

DYM Report Form

What: Diocesan Fun Run

Where: Archdiocese of San Fernando

When: April 17, 2010

Takbo para sa pagbabago ang simula ay Ako!

 

Mahigit tatlong daang kabataan na nagmula sa mga parokya ng ating diyosesis at ibang organisasyon ang nakiisa sa Diocesan Youth Ministry advocacy run for Clean, Honest, Accurate, Meaningful and Peaceful Election noong Abril 17, 2010 sa four lanes Balanga City. Sinimulan ito ng animation dance na pinangunahan ng ating mga makikisig na animators. At ng ibinigay na ang hudyat ng pagtakbo, bakas sa mukha ng bawat kalahok ang kasiyahan at pananabik na makarating sa finish line, hindi nila alintana ang init at pagod, sapagkat gusto nilang ipakita na ang tunay na pagbabago ay magsisimula sa ating sarili. Nang matapos ang fun run ay sinundan ito ng candle lighting ceremony at maiksing panalangin para sa malinis na halalan.

Tunay na naging makabuluhan ang fun run sa bawat isa na nagsilahok, hindi man ganun karami ang dumalo, pero masasabi na rin na ang kabataan ng Bataan ay naniniwala at naninindigan sa tunay na pagbabago. Sabi nga sa isang slogan “WE MUST BE THE CHANGE THAT WE WANT TO SEE.”

Balanga Rocks!
AdobeReaderScreenSnapz001

< click to enlarge

AdobeReaderScreenSnapz001a