@ 2007 Diocese of

Home

PANG- APAT NA AKYAT!

 

Sa pang-apat na pagkakataon, tayong lahat ay muling aakyat at magpupugay sa bundok ng kabayanihan at kabanalan, ang Bundok ng Samat.

 

Sa darating na unang araw ng Disyembre, Sabado bago ang panahon ng Adbiyento, ang lahat ay inaanyayahan na dumalo sa taunang Mount Samat Pilgrimage simula ika-isa ng hapon na magtatapos sa pagdiriwang ng Misa sa tuktok ng bundok sa ganap na ikalima ng hapon.

 

May panalangin sa simula ng paglalakbay sa paanan ng bundok. Magdarasal tayo ng rosaryo habang umaakyat at magkakaroon ng awitan at sayawan pagdating sa tuktok.

 

Katulad ng nakaugalian, may fireworks display pagkatapos ng lahat ng gawain upang salubungin natin ang bagong taon ng simbahan.

 

Sa ilalim ng patnubay ni San Jose, patron ng buong Bataan, sama-sama tayong manalangin para sa patuloy na pagpapanariwa ng pananampalatayang Katoliko sa Bataan.

 

San Jose, aming patron, akayin po ninyo ang lahat ng kabataan kay Jesus na ating Panginoon.

 

Ang Mount Samat Pilgrimage ay para sa lahat ng Katoliko sa Bataan. Ang pagiging kabataan ay wala sa gulang kundi sa kalooban. Magsama-sama tayo sa Samat!

 

Mabuhay ang Bataan, peninsula ng mga bayani at banal!

item3
The Roman Catholic
Diocese of Balanga
(Bataan, Philippines)